Sa pangunguna ni Bogie M. Sendad, isa sa mga nominee ng Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party (ABoT), matagumpay na naidaos ang isang estratehikong family consultative at voters' education sa kanyang compound sa Tacurong City noong Abril 25, 2026.

Ang mahalagang pagtitipon na ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Union of Dudie-Dalga Descendants Inc. (UDDI) mula sa Buluan, Datu Paglas, GSKP, at Tacurong, na naglalayong pagbuklurin ang pamilya sa iisang layunin na magbigay ng buong suporta sa ABoT Party at mag-organisa ng isang malaking reunion bago ang darating na halalan.

Lalong naging makabuluhan ang aktibidad sa presensya nina ABoT Provincial President Maguindanao del Sur Abdulbasir Mustapha at LBO Acting President Yusoph Lumambas bilang mga panauhin, na nagbahagi ng kanilang suporta. Ang buong araw ay napuno ng produktibong diskusyon at pagkakaisa, na nagtapos sa isang positibong pag-asa para sa isang matagumpay na kinabukasan para sa lahat.

Dito napapatunayan: Sa ABoT, hindi posisyon ang pinagbabasehan kundi serbisyo. Kahit walang kasiguraduhan, tuloy ang pagkilos para sa komunidad.

#ABoTParty #SaABoTPartyPanaloLahat

#SerbisyongABoT #KaABoT