Noong Marso 26, 2026, matagumpay na naidaos ng Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples (ABoT) Party ang kanilang Party Convention at Voters' Education program bilang paghahanda sa kauna-unahang halalan para sa BARMM Parliament. Mahigit 300 na delegado ang mga dumalo sa pagtitipon mula sa iba’t ibang sector ng BARMM kabilang ang mga CSO’s, Moro, Indigenous People, Settlers, Kababaihan, Kabataan, at mga Religious Sector.
Binigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Moro, Indigenous People (IP), at mga Settlers upang matiyak ang isang inklusibong pamamahala sa BARMM. Layunin ng partido na magkaroon ng boses ang bawat sektor sa loob ng parlamento, anuman ang kanilang tribo o pananampalataya tungo sa tunay na awtonomiya. Bukod sa pagpapatatag ng samahan, naging sentro rin ng aktibidad ang Voters' Education sa mga botante tungkol sa bagong parliamentary system at ang kahalagahan ng may integridad sa pagboto.
Mariin ding kinondena ng mga dumalo ang mga maling gawain tuwing eleksyon gaya ng vote-buying, karahasan at manipulasyon, at iba pa. Sa halip, isusulong ng ABoT ang politika na nakabase sa plataporma de gobyerno, partikular na ang hustisyang panlipunan, seguridad at pantay na karapatan at makabuluhang serbisyo. Layon ng partido na masiguro na ma-aABoT ang isang mapayapa at maunlad na Bangsamoro sa hinaharap bilang alay sa mga susunod na henerasyon sa Bangsamoro.
Sa nasabing pagtitipon, naihalal din ang mga bagong opisyal ng partido gayon din ang kanilang 40 Nominees. Inaasahan ng Partido ang isang mapayapa at matagumpay na eleksyon sa darating na Setyembre 14, 2026.
#ABoTParty #SaABoTPartyPanaloLahat